Pages Menu
Categories Menu

Posted by on Jun 10, 2015 in Blog |

300 year-old Philippine map, makatutulong sa arbitration case — Malacañan

300 year-old Philippine map, makatutulong sa arbitration case — Malacañan

Published On: Mon, Jun 8th, 2015

MANILA, Philippines — Walang nakikita ang Malakanyang na pagbabago sa relasyon ng Pilipinas at China pagdating sa kalakalan at turismo sa kabila ng territorial dispute ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.

Ito ang pahayag ng Malakanyang sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng Philippine-China diplomatic relations.

Pahayag ni Presidential Spokesperson Sec. Edwin Lacierda, “In terms of tourism, we have a number of Filipinos going visiting China and we have also Chinese tourist visiting Philippines, we have also lot of trade relations with China.”

Batay sa datos ng Department of Tourism sa 1st quarter ng 2015, pang-apat ang China sa may malaking kontribusyon sa turismo sa bansa.

Ayon pa kay Sec. Lacierda, ang posisyon o paniniwala lamang sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea ang naging pagkakaiba ng dalawang bansa.

“Just to be clear, we have no conflict with the Chinese people. Our conflict for instance, are differences, are with the approach of the leadership in dealing with the South China Sea.”

Samantala, naniniwala ang Malakanyang na may maitutulong ang naiulat na pagdating sa bansa ng 300-year old Philippine map o ang tinatawag na Murillo-Velarde map sa arbitration case ng Pilipinas laban sa China.

Ani Lacierda, “I’m not in the position to weigh in on how the weight of that evidence. But certainly, it does help the Philippines when we present a map which shows the basis for saying that, for saying, one thing and together with our reliance on international law.”

Pinatutunayan umano ng naturang mapa na sakop ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc.

Ayon naman sa Department of Foreign Affairs, pag-aaralan muna nila ang naturang “Mother of All Map”.

Saad ni ASec. Charles Jose, “Una, masasabi lang namin diyan, we are glad na itong map na to ay ngayon ay nasa kamay na isang Filipino. As to its value to the arbitration case na meron tayo ngayon, we defer to the legal team.” (NEL MARIBOJOC / UNTV News)

 

Source: http://www.untvweb.com/news/300-year-old-philippine-map-makatutulong-sa-arbitration-case-malacanan/