Ang mga Armenian ay isang pangkat etniko ng katutubong kabundukan ng Armenia sa Kanlurang Asya. Sa kasaysayan, ang mga Armenian ay gumanap ng isang makabuluhang papel sa komersyo at kalakalan sa Pilipinas. Nabanggit ng paring Heswita na si Pedro Murillo Velarde na ang mga Armenian, kasama ang ibang mga Kristiyanong Orthodokso ay naroroon sa Maynila noong 1618 pa lamang.
Ang Mughal ay nabibilang sa mga magkakaugnay na kultura at lahi ng India at Pakistan. Sinasabing sila ay nagmula sa iba’t ibang aspeto ng lahing Mongol sa Gitnang Asya.
Ang Malabari ay isang katawagan na ginamit para sa mga Indiano na nagmula sa rehiyon ng Malabar sa bansang India. Sa pamamagitan ng mga emperyo ng Srivijaya at Majapahit, pinaniniwalaang ang mga impluwensya ng bansang India ay unang nakarating sa Pilipinas noong ika-10 hanggang sa unang bahagi ng ika-14 na siglo, batay sa mga kaganapan sa dalawang rehiyong ito.