Ngayon kilala rin ang Scarborough Shoal sa iba’t ibang pangalan: Panatag Shoal at Bajo de Masinloc. Ang tawag ng China ay Huangyan island.
Bakit kaya Panacot? Dahil kaya sa malalaking alon doon? Sabi naman ng mangingisda sa Masinloc, kaya raw nila tinawag na Panatag dahil kapag mataunan na bagyo at napapadpad sila roon, panatag sila roon habang hinihintay na humupa ang panahon.
Isusumite ang mapa na ito sa korte ng United Nations kung saan nagsampa ng kaso ang Pilipinas laban sa China. Ito ay pangkontra sa sinasabi ng China na kanila ang halos 80 porsiyento ng South China Sea mula’t mula pa ayon sa kanilang nine-dash line map.
Maganda ang kuwento kung paano napunta ang lumang mapa kay Velarde. Binili niya ito sa isang auction ng Sotheby sa London noong Nobyembre sa halagang P12 milyon.
Kuwento ni Mel, sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan na si Senior Associate Justice Antonio Carpio, na magkakaroon ng auction sa London galing sa koleksyon ng Duke of Northumberland at kasama roon ang Murillo Velarde na mapa.
Ang Duke of Northumberland ang may-ari ng napakalawak na Alnwick Castle kung saan nag-shooting para sa pelikulang Harry Potter.
Napilitan ang Duke na mag-auction ng mga 80 mamahaling gamit ng kanyang mga ninuno dahil nagkaroon ng bagyo sa kanilang lugar noong 2012 at malaki ang sira sa kanilang lugar na nagdulot ng baha sa kapaligiran, kasama ng ibang bahay.
Inabot ng milyun-milyon ang kanilang ginastos sa pagpaayos ng kastilyo at mga bahay sa paligid.
Grabe ang koleksyon ng mga sculptor, paintaings at mga dokumento ng kanyang mga ninuno na nakatago sa Alnwick Castle. Nakasama roon ang Murillo-Velarde map.
Parang suspense na pelikula nang kinukwento ni Mel Velarde, president ng One Corporation at chairman ng Asian Institute of Journalism and Communication ang bidding na sinalihan niya sa pamamagitan ng telepono para sa Murillo Velarde map.
Ang plano talaga ay bilhin muna niya ang map sa auction. Kapag nabili na, ibenta sa National Museum na may budget daw ng P5 milyon para sa ganung mga mahalagang dokumento.
Umabot sa P12 milyon ang presyo ng mapa.
Wala raw pera ang National Museum para bilhin ang mapa. Nagdesisyon si Mel na i-donate na lang. Galing, ‘di ba?
Plano nina Mel, i-reproduce ang mapa at ipamigay sa mga paaralan para malaman ng mga kabataan ang sakop ng Pilipinas.