Ang Puerto de Cavite (Port of Cavite) ay isang makasaysayang daungan na may malaki at importanteng ambag sa pambansang kalakalan noong panahon ng Kastila. Ito ang naging pangunahing piyer ng komersyo sa pagitan ng Acapulco, na ngayon ay Mexico at ng Cavite. Ang prosesong ito ng komersyo ay mas kilala sa bansag na Manila-Acapulco Galleon Trade.
Ang Puerto de Cavite ay kilala rin sa tawag na Ciudad de Oro Macizo, o ang “Siyudad ng Ginto.”
Isa sa itinatampok sa vignette ng Mapa ng Murillo Velarde 1734 ang ilustrasyon ng Puerto de Cavite.