Ang salitang Sangley ay matandang katawagan na ginamit sa Pilipinas para ilarawan ang mga Filipino na may dugong Tsino o may lahing Tsino.

Maraming bersyon ng interpretasyon ang salitang Sangley, lalo na’t ginagamit din ito sa mga pangalan ng makasaysayang lugar tulad ng Punta Sangley (Sangley Point), ang dating punong himpilan ng base ng hukbo ng Estados Unidos sa Cavite Peninsula. Ayon kay Go Bon Juan na isang manunulat, ang pinakakaraniwang tinatanggap na bersyon ng salitang “Sangley” ay nagmula sa Hokkien Chinese na “Pe̍h-ōe-jī” na nangangahulugang “negosyo” na tumutugma naman sa pamumuhay ng mga unang Tsino sa Pilipinas.

Ang karamihan ng mga manlalakbay, negosyante, at naninirahang Sangley sa Pilipinas noong panahon ng kolonyal ng Espanya ay nagmula sa katimugang bahagi ng Fujian at gumagamit ng lenggwaheng Hokkien. Sila ay nag-iwan ng ambag at marka sa kulturang Pilipino, lalo na sa larangan ng pagluluto.

Ang bahaging ito ng Mapa ng Murillo Velarde 1734 ay nagpapakita ng iba’t-ibang uri ng Sangleys ng panahong ito: Christianized Chinese, Non-Christian Chinese Trader, Mangingisdang Tsino, at Manggagawang Tsino.

Let's Stay in Touch