Velarde Map Explained
Sundan ang paglalakbay ng Murillo Velarde 1734 Map mula sa Intramuros, papunta sa England, The Hague, at pabalik sa Pilipinas. Tuklasin kung bakit ito itinuturing na isa sa pinakamahalagang natuklasan sa kasaysayan ng Pilipinas. Para sa buong detalye, bisitahin ang Murillo Velarde Map.
Ang Carta Hydrographica y Chorographica de las Yslas Filipinas, unang inilathala sa Maynila noong 1734, ay nilikha ni Pedro Murillo Velarde kasama ang mga Pilipino na sina Francisco Suarez at Nicolas dela Cruz Bagay. Itinuturing itong unang siyentipikong mapa ng buong arkipelago. Ang mapa ay nagtatampok ng mga pulo tulad ng Panacot (Bajo de Masinloc) at Los Bajos de Paragua (Spratlys). Isa itong mahalagang ebidensya sa kaso ng Pilipinas kontra China sa Permanent Court of Arbitration noong 2016. Bisitahin ang Murillo Velarde Map para sa karagdagang detalye.
Pinakabagong Artikulo
Mapa Natin, Kwento Natin: SB19 Puts the Spotlight on Mother of All Philippine Maps
Honoring our roots and championing freedom and national pride are among the messages SB19 expresses through their art and music.